Officials na Sangkot sa Pagbubugaw

Noong mga nakakaraan mga araw, hit na hit na balita sa TV, radio at maging mga sa tabloids ang mga emabassy officials ng gobyerno na sangkot sa sex-for-fly modus ng mga kababayan nating stranded sa Saudi Arabia. Kakasuhan di umano ang mga ito kapag napatunayan sa ginawang pang aabuso sa posisyon. Ang mga kasong pwedeng kaharapin ay sexual harassment, molestation at trafficking. Ang DFA ay nagsagawa na sarili nilang imbestigasyon at nakakuha ng salaysay ng 3 biktimang OFWs. Iminungkahi din ng DFA na tanggaling sa pwesto ang mga sangkot sa "sex ring".

Sa kasong isasampa, may mangyayari kaya? Mapaparusahan naman kaya? Ang mga reklamo ay dapat himayin ng tama, upang mabigyan ng tamang hustisya ang mga biktima o pawalang sala ang mga sangkot dahil pwede din itong publicity lamang upang siraan sila.

Ako po ay naging empleyado ng na naturang sangay ng gobyerno (locally-based), at sa ilang taon ko sa naturang ahensya, wala pa po akong nakitang naparusahan na sangkot. May mga hakbang na ginawa tulad pagbuo ng komite para sa imbestigasyon at pag gawa ng report upang meron lamang ipakita at isubmit sa nakatataas. Subalit hanggang dun lamang! Hindi naparusahan mismo ang taong corrupt na inireklamo!






SHARE

Milan Tomic

Hi. I’m Designer of Blog Magic. I’m CEO/Founder of ThemeXpose. I’m Creative Art Director, Web Designer, UI/UX Designer, Interaction Designer, Industrial Designer, Web Developer, Business Enthusiast, StartUp Enthusiast, Speaker, Writer and Photographer. Inspired to make things looks better.

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment